Friday, March 6, 2020

Alamat ng Rome

Alamat ng Rome

Sa alamat ng Rome, ang diyos ng digmaan na si Mars ay nagkaanak ng kambal na sina Romulus at Remus sa isang prinsesang Latin na si Rhea Silvia. Sa takot ng hari na maagaw ng kambal ang kanyang kapangyarihan ay ipinatapo niya ang mga ito sa Ilog Tiber at inasahang malulunod ang mga ito. Subalit, sila ay nailigtas ng babaeng lobo (she-wolf) hanggang sa sila ay matagpuan at inalagaan ng isang pastol.

 Ang she-wolf
Nang sila ay lumaki, napagkasunduan nila na pagsama-samahin ang pitong burol upang makabuo ng isang lungsod (City of Seven Hills). Subalit, nagtalo ang dalawa tungkol sa kung sino ang mamumuo sa sentro ng mga burol na Palatine. Dahil dito, napatay ni Romulus si Remus. Tinawag na Rome ang nasabing lungsod na hinango sa pangalan ni Romulus na tinaguriang unang hari ng Rome ayon sa alamat.

No comments:

Post a Comment

Kabihasnang Klasikal ng mga Romano

Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...