Friday, March 6, 2020

Sino si Julius Caesar?

Sino si Julius Caesar?


Julius Caesar



Si Julius Caesar ay naging diktador sa loob ng sampung taon at tinaguriang "Uncrowned King".


Mga Pangyayari sa Buhay ni Caesar

  • Noong panahon ng pagkakagulo sa Rome, naging tanyag si Caesar kasama sila Pompey at Crassus. Dahil sa galing nila sa pakikipaglaban, bumuo sila ng alyansang tatluhan na tinawag na Unang Triumvirate at hinati ang imperyo sa tatlo. Ang silangan ang kay Crassus, kanluran kay Caesar, at ang sentral at timog kay Pompey.
  • Nagtagumpay si Pompey sa pagsakop ng Armenia.
  • Si Crassus ay napatay sa Parthia.
  • Nagpatuloy ang tagumpay ni Caesar na naging dahilan upang mainggit ang mga senador at si Pompey.
  • Inatasan ng senado si Caesar na bumalik sa Rome at buwagin ang kanyang hukbo.
  • Hindi sinunod ni Caesar ang senado at winika ang "The die is cast" bago tumawid ng Ilog Rubicon.
  • Natakot si Pompey nang bumalik si Crassus kaya tumakas siya papuntang Greece at Egypt kung saan siya napatay.
  • Si Caesar ay pinaslang ng kanyang mga kaibigan na sina Brutus at Cassius noong March 14, 44 BCE. Tinawag na "Ides of March" ang kanyang pagkamatay.

Mga Kontribusyon ni Caesar

  • Siya ay naglunsad ng mga reporma tulad ng pagpapalawak ng pagkamamamayan sa maramig lalawigang sakop ng imperyo.
  • Ginawa niyang 900 ang kasapi ng senado mula sa 300.
  • Inutusan niya ang mga may-ari ng lupa na bawasan ang mga aliping nagtatrabaho sa bukid.
  • Nagtatag siya ng kolonya sa Spain, France, Switzerland, at Africa upang mabigyan ng lupain ang mga walang lupa.
  • Binago niya ang kalendaryona may 365 na araw sa isang taon at sobrang isang araw kada apat na taon.

No comments:

Post a Comment

Kabihasnang Klasikal ng mga Romano

Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...