Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano
Mula ng masakop ng Rome ang kabuuang Italian Peninsula at Mediterranean,nag-umpisa nang lumakas ang republika ng Rome. Nasakop nila ang mga ito noong natalo nila ang mga ito sa digmaan sa Heraclea na pinamunuan ni Haring Pyrrhus, ang Hari ng Epinus. Ang kanilang tagumpay ay binansagang "Pyrrhic Victory". Noong 275 BCE, nagkaroon ulit ng digmaan sa Beneventum at nagwagi dito ang Rome. Dahil rito, ang Rome ay tinawag na "Mistress of Italy".
Noong 264 - 146 BCE, naganap ang pinakamahalagang digmaan na kinasangkutan ng Rome laban sa mga taga Carthage. Ang labanang ito ay tinawag na "Digmaang Punic". Nagmula ang Punic sa salitang Latin na "puni" na nangangahulugang "Phoenicia". Ang mga ito ay dating Kolonya ng Phoenicia sapagkat lumakas ang imperyong ito.
Naganap ang Unang Digmaang Punic noong 264 - 241 BCE. Naghiganti ang Carthage dahil tinangkang sakupin ng Rome ang Sardinia at Corsica. Pinamunuan ni Hannibal ang pagsalakay ng mga taga Carthage gamit ang mga elepante. Tumagal lamang ng 15 na araw ang pamumuno ni Hannibal sa hilagang Italy. Sinubukan niyang humarap ng mga kakampi pero sila ay bigo.
Sinakop ni Scipio Aemilianus ang Carthage. Dahil dito, napilitan si Hannibal na bumalik sa Carthage at ipagtanggol ito. Nagtagumpay si Scipio at binansagan iyang "Scipio Africanus". Ang North Africa at kanlurang Mediterranean ay napasakamay ng Rome.
Sumunod namang sinakop ng Rome ang Greece. Hindi naglaon ay nasakop ng Rome ang Greece dahil nagdiriwang ang mga Griyego dahil sila ay nakalaya na sa pamumuno ni Haring Philip V mula sa dinastiyang Antigonid ng Macedonia.
Bumagsak ng tuluyan ang Carthage nang mataposang ikatlong digmaang punic. Sinalakay ni Scipio ang Carthage at bumagsak ng tuluyan. Dito rin sa panahong ito nabuo ang quinquereme na mas matibay pa sa trireme.
No comments:
Post a Comment