Kabihasnang Klasikal ng mga Romano
Friday, March 6, 2020
Kabihasnang Klasikal ng mga Romano
Batas at Pamahalaan
Batas at Pamahalaan
Ang pinakadakilang pamana ng Rome sa kabihasnan ay ang kanilang batas at pamahalaan. Ang mga batas na kanilang binuo ay tumutugon sa jus civile o batas sibil na kanilang binuo para lang sa mga mamamayang Romano at ang jus gentium o batas ng mga nasyon para sa mga dayuhan at mamamayang Romano. Ang jus natural ay nakasentro naman sa pribadong pag-aari at katatagan ng pamilya. Sa pamamagitan ng mga batas na ito, nabigkis ang pamahalaang imperyo. Ang mga batas na ito ang naging batayan ng sistemang legal ng maraming modernong bansa kabilang na ang Pilipinas.
Inhinyera
Inhinyera
Ang mga relika ng kahusayan ng mga Romano sa inhinyera ay makikita sa mga nasakop nito. Ito ang mga pampublikong paliguan, aqueduct, kalsada, tulay, palikuran at mga dam. Isang produkto ng kahusayan ay ang pinakabantog na kalsada ng Appian Way na nagdurugtong sa Rome at Capua.
Appian Way |
Aqueduct |
Ang mga aqueduct ay nagbibigay ng malilinis na tubig sa maraming bahagi ng lungsod ng imperyo. Ang bawat bayan ay mayroong forum na pinagmulan ng modernong plaza.
Heograpiya
Heograpiya
Mapa ng Italy |
Ang Italy ay hugis-botang peninsula na matatagpuan sa gitna ng Mediterranean Sea. Dahil sa lokasyon nito, nakontrol ng mga Italyano ang silangan at kanlurang rehiyon ng Europe.
Alamat ng Rome
Alamat ng Rome
Sa alamat ng Rome, ang diyos ng digmaan na si Mars ay nagkaanak ng kambal na sina Romulus at Remus sa isang prinsesang Latin na si Rhea Silvia. Sa takot ng hari na maagaw ng kambal ang kanyang kapangyarihan ay ipinatapo niya ang mga ito sa Ilog Tiber at inasahang malulunod ang mga ito. Subalit, sila ay nailigtas ng babaeng lobo (she-wolf) hanggang sa sila ay matagpuan at inalagaan ng isang pastol.
Ang she-wolf |
Sino si Julius Caesar?
Sino si Julius Caesar?
Julius Caesar |
Si Julius Caesar ay naging diktador sa loob ng sampung taon at tinaguriang "Uncrowned King".
Mga Pangyayari sa Buhay ni Caesar
- Noong panahon ng pagkakagulo sa Rome, naging tanyag si Caesar kasama sila Pompey at Crassus. Dahil sa galing nila sa pakikipaglaban, bumuo sila ng alyansang tatluhan na tinawag na Unang Triumvirate at hinati ang imperyo sa tatlo. Ang silangan ang kay Crassus, kanluran kay Caesar, at ang sentral at timog kay Pompey.
- Nagtagumpay si Pompey sa pagsakop ng Armenia.
- Si Crassus ay napatay sa Parthia.
- Nagpatuloy ang tagumpay ni Caesar na naging dahilan upang mainggit ang mga senador at si Pompey.
- Inatasan ng senado si Caesar na bumalik sa Rome at buwagin ang kanyang hukbo.
- Hindi sinunod ni Caesar ang senado at winika ang "The die is cast" bago tumawid ng Ilog Rubicon.
- Natakot si Pompey nang bumalik si Crassus kaya tumakas siya papuntang Greece at Egypt kung saan siya napatay.
- Si Caesar ay pinaslang ng kanyang mga kaibigan na sina Brutus at Cassius noong March 14, 44 BCE. Tinawag na "Ides of March" ang kanyang pagkamatay.
Mga Kontribusyon ni Caesar
- Siya ay naglunsad ng mga reporma tulad ng pagpapalawak ng pagkamamamayan sa maramig lalawigang sakop ng imperyo.
- Ginawa niyang 900 ang kasapi ng senado mula sa 300.
- Inutusan niya ang mga may-ari ng lupa na bawasan ang mga aliping nagtatrabaho sa bukid.
- Nagtatag siya ng kolonya sa Spain, France, Switzerland, at Africa upang mabigyan ng lupain ang mga walang lupa.
- Binago niya ang kalendaryona may 365 na araw sa isang taon at sobrang isang araw kada apat na taon.
Ang Ikalawang Triumvirate
Ang Ikalawang Triumvirate
Octavio, Lepidus, at Mark Anthony
Nang mamatay si Caesar, sina Octavian, Mark Anthony, at Lepidus na kabilang sa pinagkakatiwalaang kawal ni Caesar ay nagtatag ng alyansa na tinawag na Ikalawang Triumvirate. Ito ay kanilang itinatag upang ipaghiganti ang kamatayan ni Caesar.Pumunta sila sa Roma at iginiit sa senado na ipagkaloob sa kaila ang pamumuno ng republika ngunit tumanggi ang senado. Dahil dito, napatay ang 100 seanador at 2000 negosyante kabilang na si Cicero. Si Cicero ay naging tanyag sa pagtatanggol ng republika at laban sa ganap na kapangyarihan. Samantala, nagpakamatay na sina Brutus at Cassius bago pa sila madakip.
Hindi nagtagal ay nagkaroon ng inggitan sa pagitan ni Octavian at Mark Anthony. Napaibig ni Cleopatra, Reyna ng Egypt si Mark Anthony. Pinagbintangan ni Octavian si Mark Anthony na may planong pamunuan ang Rome at Alexandria. Noong 31 BCE, pinamunuan ni Octavian ang laban sa Actium, laban kina Mark Anthoy at Cleopatra. Sila ay natalo kaya't naging lalawigan ng Rome ang Egypt. Ito ay nagbigay wakas sa republika at naging tanging pinuno si Octavian.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Kabihasnang Klasikal ng mga Romano
Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...
-
Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...
-
Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Mula ng masakop ng Rome ang kabuuang Italian Peninsula at Mediterranean,nag-umpisa nang ...
-
Panitikan at Kasaysayan Ang literaturang Romano ay may tatlong higante na sina Virgil, Livy, at Horace. Sila Virgil, Horace, Livy,...