Friday, March 6, 2020
Kabihasnang Klasikal ng mga Romano
Batas at Pamahalaan
Batas at Pamahalaan
Ang pinakadakilang pamana ng Rome sa kabihasnan ay ang kanilang batas at pamahalaan. Ang mga batas na kanilang binuo ay tumutugon sa jus civile o batas sibil na kanilang binuo para lang sa mga mamamayang Romano at ang jus gentium o batas ng mga nasyon para sa mga dayuhan at mamamayang Romano. Ang jus natural ay nakasentro naman sa pribadong pag-aari at katatagan ng pamilya. Sa pamamagitan ng mga batas na ito, nabigkis ang pamahalaang imperyo. Ang mga batas na ito ang naging batayan ng sistemang legal ng maraming modernong bansa kabilang na ang Pilipinas.
Inhinyera
Inhinyera
Ang mga relika ng kahusayan ng mga Romano sa inhinyera ay makikita sa mga nasakop nito. Ito ang mga pampublikong paliguan, aqueduct, kalsada, tulay, palikuran at mga dam. Isang produkto ng kahusayan ay ang pinakabantog na kalsada ng Appian Way na nagdurugtong sa Rome at Capua.
Appian Way |
Aqueduct |
Ang mga aqueduct ay nagbibigay ng malilinis na tubig sa maraming bahagi ng lungsod ng imperyo. Ang bawat bayan ay mayroong forum na pinagmulan ng modernong plaza.
Heograpiya
Heograpiya
Mapa ng Italy |
Ang Italy ay hugis-botang peninsula na matatagpuan sa gitna ng Mediterranean Sea. Dahil sa lokasyon nito, nakontrol ng mga Italyano ang silangan at kanlurang rehiyon ng Europe.
Alamat ng Rome
Alamat ng Rome
Sa alamat ng Rome, ang diyos ng digmaan na si Mars ay nagkaanak ng kambal na sina Romulus at Remus sa isang prinsesang Latin na si Rhea Silvia. Sa takot ng hari na maagaw ng kambal ang kanyang kapangyarihan ay ipinatapo niya ang mga ito sa Ilog Tiber at inasahang malulunod ang mga ito. Subalit, sila ay nailigtas ng babaeng lobo (she-wolf) hanggang sa sila ay matagpuan at inalagaan ng isang pastol.
Ang she-wolf |
Sino si Julius Caesar?
Sino si Julius Caesar?
Julius Caesar |
Si Julius Caesar ay naging diktador sa loob ng sampung taon at tinaguriang "Uncrowned King".
Mga Pangyayari sa Buhay ni Caesar
- Noong panahon ng pagkakagulo sa Rome, naging tanyag si Caesar kasama sila Pompey at Crassus. Dahil sa galing nila sa pakikipaglaban, bumuo sila ng alyansang tatluhan na tinawag na Unang Triumvirate at hinati ang imperyo sa tatlo. Ang silangan ang kay Crassus, kanluran kay Caesar, at ang sentral at timog kay Pompey.
- Nagtagumpay si Pompey sa pagsakop ng Armenia.
- Si Crassus ay napatay sa Parthia.
- Nagpatuloy ang tagumpay ni Caesar na naging dahilan upang mainggit ang mga senador at si Pompey.
- Inatasan ng senado si Caesar na bumalik sa Rome at buwagin ang kanyang hukbo.
- Hindi sinunod ni Caesar ang senado at winika ang "The die is cast" bago tumawid ng Ilog Rubicon.
- Natakot si Pompey nang bumalik si Crassus kaya tumakas siya papuntang Greece at Egypt kung saan siya napatay.
- Si Caesar ay pinaslang ng kanyang mga kaibigan na sina Brutus at Cassius noong March 14, 44 BCE. Tinawag na "Ides of March" ang kanyang pagkamatay.
Mga Kontribusyon ni Caesar
- Siya ay naglunsad ng mga reporma tulad ng pagpapalawak ng pagkamamamayan sa maramig lalawigang sakop ng imperyo.
- Ginawa niyang 900 ang kasapi ng senado mula sa 300.
- Inutusan niya ang mga may-ari ng lupa na bawasan ang mga aliping nagtatrabaho sa bukid.
- Nagtatag siya ng kolonya sa Spain, France, Switzerland, at Africa upang mabigyan ng lupain ang mga walang lupa.
- Binago niya ang kalendaryona may 365 na araw sa isang taon at sobrang isang araw kada apat na taon.
Ang Ikalawang Triumvirate
Ang Ikalawang Triumvirate
Octavio, Lepidus, at Mark Anthony
Nang mamatay si Caesar, sina Octavian, Mark Anthony, at Lepidus na kabilang sa pinagkakatiwalaang kawal ni Caesar ay nagtatag ng alyansa na tinawag na Ikalawang Triumvirate. Ito ay kanilang itinatag upang ipaghiganti ang kamatayan ni Caesar.Pumunta sila sa Roma at iginiit sa senado na ipagkaloob sa kaila ang pamumuno ng republika ngunit tumanggi ang senado. Dahil dito, napatay ang 100 seanador at 2000 negosyante kabilang na si Cicero. Si Cicero ay naging tanyag sa pagtatanggol ng republika at laban sa ganap na kapangyarihan. Samantala, nagpakamatay na sina Brutus at Cassius bago pa sila madakip.
Hindi nagtagal ay nagkaroon ng inggitan sa pagitan ni Octavian at Mark Anthony. Napaibig ni Cleopatra, Reyna ng Egypt si Mark Anthony. Pinagbintangan ni Octavian si Mark Anthony na may planong pamunuan ang Rome at Alexandria. Noong 31 BCE, pinamunuan ni Octavian ang laban sa Actium, laban kina Mark Anthoy at Cleopatra. Sila ay natalo kaya't naging lalawigan ng Rome ang Egypt. Ito ay nagbigay wakas sa republika at naging tanging pinuno si Octavian.
Sino si Augustus Caesar?
Sino si Augustus Caesar?
Augustus Caesar
Noong 27 BCE, tinaguriang "Augustus" si Octavian. Si Augustus ay 41 taon na namuno at tinawag itong Principate. Siya ay naging diktador, imperator, pontifex maximus at princeps civitatis. Nagtatag si Augustus ng Pax Romana. Sa pamumuno ni Augustus, naging sentro ng mabuting pamahalaan ang Roma.
Agham
Ang pinakasikat na siyentipikong Romano ay si Pliny the Elder. Siya ang sumulat ng Multivolume Encyclopedia na pinamagatang Natural History. Si Claudius Ptolemy ay nagsulat din ng maraming aklat tungkol sa astronomiya at heograpiya.
Panitikan at Kasaysayan
Panitikan at Kasaysayan
Ang literaturang Romano ay may tatlong higante na sina Virgil, Livy, at Horace.
Sila Virgil, Horace, Livy, at Ovid
Si Virgil ang may akda ng Aenid na tulang epikong Latin na katumbas ng Iliad at Odyssey ng mga Griyego. Si Livy naman ang may akda ng mahabang kasaysayan ng Roma. Si Horace naman ay naging tanyag sa kanyang mga oda na pumupuri sa tagumpay ni Augustus. At dumating naman si Ovid. Siya ang tinaguriang pinakadakilang makata ng pag-ibig sa Rome.
Sila Virgil, Horace, Livy, at Ovid |
Pilosopiya
Arkitektura at Sining
Arkitektura at Sining
Mas praktikal, malawak, marangya, at kagamit-gamit ang arkitektura at sining ng Rome kaysa sa Greece. Dalawang inobasyon ang kanilang pamana: ang paggamit ng semento at paggawa ng arch.
Ang obra maestra ng arkitekturang Romano ay ang Pantheon, Arch of Constantine at Colesseum. Ang Pantheon ang pinakamalaking dome na ipinatayo ni Hadrian upang palitan ang nasunog na Pantheon na orihinal na ipinatayo ng kaibigan ni Augustus na si Marcus Agrippa
Ang Colesseum ang pinakatanyag sa lahat ng mga ampi-teatro na may upuan para sa 50 000 katao. Samantala, ang Arch of Constantine ay ipinatayo ng senado upang pangaralan ang tagumpay ni Constantine sa Milvian Bridge.
Arch of Constantine |
Panthone |
Colesseum |
Kontribusyong Romano
Kontribusyong Romano
Ang mga Romano ang sinasabing tagapagmana ng kulturang Hellenistic.
Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano
Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano
Mula ng masakop ng Rome ang kabuuang Italian Peninsula at Mediterranean,nag-umpisa nang lumakas ang republika ng Rome. Nasakop nila ang mga ito noong natalo nila ang mga ito sa digmaan sa Heraclea na pinamunuan ni Haring Pyrrhus, ang Hari ng Epinus. Ang kanilang tagumpay ay binansagang "Pyrrhic Victory". Noong 275 BCE, nagkaroon ulit ng digmaan sa Beneventum at nagwagi dito ang Rome. Dahil rito, ang Rome ay tinawag na "Mistress of Italy".
Noong 264 - 146 BCE, naganap ang pinakamahalagang digmaan na kinasangkutan ng Rome laban sa mga taga Carthage. Ang labanang ito ay tinawag na "Digmaang Punic". Nagmula ang Punic sa salitang Latin na "puni" na nangangahulugang "Phoenicia". Ang mga ito ay dating Kolonya ng Phoenicia sapagkat lumakas ang imperyong ito.
Naganap ang Unang Digmaang Punic noong 264 - 241 BCE. Naghiganti ang Carthage dahil tinangkang sakupin ng Rome ang Sardinia at Corsica. Pinamunuan ni Hannibal ang pagsalakay ng mga taga Carthage gamit ang mga elepante. Tumagal lamang ng 15 na araw ang pamumuno ni Hannibal sa hilagang Italy. Sinubukan niyang humarap ng mga kakampi pero sila ay bigo.
Sinakop ni Scipio Aemilianus ang Carthage. Dahil dito, napilitan si Hannibal na bumalik sa Carthage at ipagtanggol ito. Nagtagumpay si Scipio at binansagan iyang "Scipio Africanus". Ang North Africa at kanlurang Mediterranean ay napasakamay ng Rome.
Sumunod namang sinakop ng Rome ang Greece. Hindi naglaon ay nasakop ng Rome ang Greece dahil nagdiriwang ang mga Griyego dahil sila ay nakalaya na sa pamumuno ni Haring Philip V mula sa dinastiyang Antigonid ng Macedonia.
Bumagsak ng tuluyan ang Carthage nang mataposang ikatlong digmaang punic. Sinalakay ni Scipio ang Carthage at bumagsak ng tuluyan. Dito rin sa panahong ito nabuo ang quinquereme na mas matibay pa sa trireme.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Kabihasnang Klasikal ng mga Romano
Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...
-
Table of Contents Heograpiya Alamat ng Rome Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Sino si Julius Caesar? Ang Ikalawang Triu...
-
Panahon ng Paglakas ng Republika ng mga Romano Mula ng masakop ng Rome ang kabuuang Italian Peninsula at Mediterranean,nag-umpisa nang ...
-
Panitikan at Kasaysayan Ang literaturang Romano ay may tatlong higante na sina Virgil, Livy, at Horace. Sila Virgil, Horace, Livy,...